Huwebes, Oktubre 24, 2013

Happy 2nd Monthsary Babymmm. ❤

Hi Bym,

Ang bilis ng panahon no? :"> Dalawang buwan na tayo. ♥♥♥ DOUBLE INFINITY na. :"""> Haha♥ Ang sarap sa feeling. :"""""> Parang kailan lang.. Ugh🔫♥ :""> Sana habang tumatagal, mas lalo pa tayong maging matibay, mas lalo pa nating maintindihan ang isa't isa, mas lalo pa tayong magpakatatag, mas lalo pa tayong maging sweet, mas lalong kumapit kung sakaling may mag-balak na pumiglas satin at mas tibayan pa nating harapin ang lahat ng pagsubok na darating pa sa relasyon natin. ðŸ”« 




Nagsisimula na tayong magkatampuhan o mag away sa mga maliliit na bagay. Pero nalalampasan natin yun, hindi na natin pinapalaki masyado tsaka hindi na pinapatagal. Kasi bawal ang PRIDE diba? :"> Sana hanggang sa huli, ganto pa rin tayo. Wala sanang magbago, pero kung sakaling may mag bago man, pipilitin nating ibalik. Diba? :( Para masaya pa rin tayo hanggang sa huli♥♥♥
MAHAL NA MAHAL KITA babybabylovesbabyhubbylovesbybybibibebebeybibybymmm. ❤❤❤
Sana kahit hindi ko nasasabi sayo sa personal o sa text araw araw yan, sana hindi mo pa rin makalimutan. Kasi nakatatak yan dito sa puso ko, kaya kahit di ko man masabi sayo yan. Yan at yan pa rin yung nasa puso ko. :) :* Kaya wag sanang mawala sa isip mo. Wag mo sanang kalimutan. Kahit mag away man tayo ng sobra, hinding hindi mababawasan o magbabago yung pagmamahal ko sayo. Walang makapagbabago nun.
at...

Walang SMILE diba? :( :">

S - awaan
M - agbabago
I - wanan
L - okohan
E - pal

Walang Sawaan, kahit madalas man tayong magkita, magkasama, magkatext, magkatweet o magkachat. Sana kahit mag away o magkatampuhan tayo ng madalas, hindi ka pa rin magsawa sa relasyon natin. Sana hindi ka magsawa sakin, sa ugali o sa pagmumukha ko. Sana hindi ka mag hanap ng iba, sana ako pa rin, sana tayo pa rin lumipas man ang maraming taon. Sana umabot tayo sa WALANG HANGGAN. Kasi ako hinding hindi ako magsasawa sayo baby. Sasamahan kita sa panghabangbuhay. ❤ PROMISE. :) Hinding hindi ako maghahanap ng iba. IKAW LANG, WALA NG IBA. :)

Walang Magbabago, kahit tumagal na tayo. Kahit mag away na tayo ng mag away. Kasi alam kong sa mga darating na panahon susubukin lalo yung relasyon natin. Kung gaano tayo katibay, kung gaano tayo kumapit sa isa't isa, kung hanggang saan yung pasensiya natin sa isa't isa at kung paano natin malalampasan lahat ng haharang sa dadaanan natin. Sana ganito pa rin tayo, sweet pa rin sa isa't isa, nagkakaintindihan, hinahabaan yung pasensiya at walang pride. Kung sakaling may magbago man satin o sa relasyon natin, pilitin nating ibalik sa dati. Pero ang pinaka-hinding hindi magbabago..
yung pagmamahal ko sayo. :) :*

Walang Iwanan, kahit may makita o makilala ka mang mas maganda, cute, sexy, mabait o sweet sa paningin mo o para sayo. O kahit mas better pa sakin ng sobra, wag mo ko iiwan. :( Hindi ko talaga kaya. Hindi ko kakayanin. :'( Wag mo ko iiwan, kung sakaling mainis ka na sa ugali ko o magsawa ka. Sana patuloy mo pa rin akong intindihin kasi babae ako baby, moody talaga. :'( Kung ikaw, iintindihin din kita ng iintindihin kahit di man kita maintindihan hindi pa rin sapat na dahilan sakin yun para iwan ka. Kaya sana wag mo rin akong iiwan. :( :*

Walang Lokohan, kung sakaling may tumangkang lumandi sayo labanan mo sana baby. Wag kang papadala, lalo na kung sa mga panahong hindi tayo nagkakaintindihan alam ko kasing sa mga panahong ganyan lumalabas ang mga ahas. Wag ka sanang magpapauto, isipin mo ako, isipin mo yung mararamdaman ko, isipin mo yung relasyon natin. Para hindi tayo masira, walang lokohan. Para matupad natin yung FOREVER na tayo lang ang makakapagpatunay. ;)

Walang Epal, walang pwedeng umepal satin. Tayo lang ang pwedeng maging sobrang sweet sa isa't isa, tayo lang pwedeng maglandian, bawal sa iba. Walang epal sa mga inbox natin, iffwd o sasabihin natin palagi sa isa't isa yung mga epal na magte-text o kaya epal na tumatawag para kilala natin kung sino yung mga epal sa relasyon natin at sabay nating papatayin. =))) :*

Salamat baby, kasi kahit 2 months pa lang tayo feeling ko may taon na tayo, feeling ko ang tagal tagal na natin. Dahil sa mga pinapakita't pinaparamdam mo sakin na sobrang espesyal at napakaimportante ko sa buhay mo. Ipinaramdam mo sakin ng buong buo na mahal na mahal mo ko at gagawin mo lahat ng makakaya mo para lang mapasaya ako. Sobrang napasaya mo ko at patuloy mo kong napapasaya ng sobrang sobra talaga. Lahat ng masasayang bagay, naramdaman ko sayo. Lahat ng magagandang katangian ng pagiging tunay na lalaki, nakita ko sayo.

MY PERFECT BOYFRIEND

Selfielord Boyfie❤❤❤ 
Selfie pa po? Haha. :)) :* Sorry bym, eto kasi una kong nakita na solo pic. mo eh. :)))) :*

-----------







Sorry baby, kung madalas mahirap akong intindihin. Wag ka sanang magsawang umintindi. Kasi bipolar talaga girlfriend mo. :( Tapos topakin pa. :| Huhu. :( Tapos matigas pa ulo minsan, pero pag ganun ako takutin mo lang ako ng takutin baby. Kasi minsan talaga hindi ko mapigilang maging matigas ulo. :( Kailangan pinupukpok. PinupukpoKISS. :""""> Haha.❤ Pero good girl naman na ko diba. :( :* Pinipilit ko naman ng maging good girl sa baby kong good boy. :"> Para parehas kaming good. :"""> Hihi. :")

Sorry din baby kung minsan nasasagot-sagot kita sa text o kaya may mga nasasabi akong nakakasakit ng damdamin mo o nakakaasar o nakakainis. Minsan kasi bym, hindi ko talaga ma-control sarili ko, minsan hindi ko mapigilang masabi yung mga ganung bagay kahit di ko naman talaga gustong sabihin, hindi ko lang sadya. Basta sabihin mo kung anong nararamdaman mo, para alam ko. Para magso-sorry ako kung may mali akong nasabi. Para hinding hindi ko na talaga uulitin. Ayoko kasing nasasaktan yung feelings ng baby ko. :( :*

Sorry din pala kung minsan nasasabayan kita sa pag aamok mo, minsan kasi talaga sumasakto na nawawala rin ako sa mood. Pero pag alam kong mali ako, tatahimik lang ako. Hahayaan lang kita mag amok. Pero sabi ko naman sayo, pag nag amok ka, di na kita sasabayan. Promise ko na yun sayo eh. :* Good girl na ko. :"> :* Hihi. >:")<
---

HAPPY 2nd MONTHSARY BABYMMMLOVES


" Baby, thanks for tolerating all my nonsense all these while. I know we need to give and take in a relationship. I'm sorry that you've been the one giving and taking all these while. I once thought I was a good girlfriend but I proved myself wrong. Thanks for giving in to me all the time whenever we quarrel. Thanks for treating me like a princess despite what I've done to hurt you in the past. I feel really blessed to have you in my life, by my side. I really thank God for letting us meet, for letting us get closer to each other and now get together.  

Baby, thanks for showing me what is true love. I've never met someone like you, someone so special, someone so true. Words just can't describe how happy and blessed I am to have you in my life. You made my life colorful, you painted it with your love. I really appreciate every single thing you have done for me. 

I hope everything will remain like this till the end of time. I want to hold your hands now and forever and I never want to let you go, never. "

I love you so very much more most super duper mega ultra hyper to the highest level to infinity and beyond always and forevernity.



Happy 2nd Monthsary Babymmmloves. :""""> 

Hindi ako makalabas ng bahay. Hindi ko alam kung anong gagawin ko, kaya eto na lang ginawa ko para sayo. :* Sana napangiti kita, kahit ganito lang kasimple. Sana maappreciate mo bym.❤ Kahit dugo-dugo gang ako sa english, nilagyan ko na rin ng english para mas maappreciate mo. :"""> " Mr. Masscom " Haha. <3  Salamat sa oras mo sa pagbasa nito. 

Happy 24. :"""""> I love you baby. ❤❤




 " Hindi man natin mabuo ang isang linggo ng walang away, Sana mabuo natin ang habang buhay nang hindi naghihiwalay. :”> " 



F O R E V E R Please? :( :"""">





" Sakin ka lang ha. ❤ "



" Best Picture Ever "

Hahaha. :""""> qt natin dito. ❤